𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Benepisyaryo ngayon ng programang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced/Disadvantage Worker o TUPAD ang mga mangingisda at magsasaka sa lungsod ng Dagupan.

Mula ang nasa kabuuang bilang na 365 na mga residente sa iba’t-ibang barangay ng nasabing lungsod na tumanggap ng payout matapos ang sampung araw ng cash-for-work community service sa ilalim ng programa.

Pinangunahan ng namumunong kongresista sa ikaapat na distrito ng Pangasinan ang naturang payout katuwang ang lokal na pamahalaan ng Dagupan at pamunuan ng DOLE.

Samantala, nagpapatuloy ang social services ng DOLE maging DSWD sa ilan pang mga kwalipikadong residente mula sa mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, San Jacinto at Manaoag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments