Tatanggap ng tulong pinansyal ang aabot sa halos sampung libong magsasaka sa Ilocos Region na naapektuhan ng Bagyong Carina.
Naglaan ng 238, 544 pesos ang Philippine Crop Insurance Corporation o PCIP sa 10,603 para sa mga magsasaka.
Ayon sa PCIC, nasa 8,706 na magsasaka ng palay, 631 na magsasaka ng mais, at 1,266 na magsasaka ng high value crops ang naapektuhan ng nagdaang habagat.
Dahil dyan, inabisuhan ang mga lubhang naapektuhan na mga magsasaka na dumulog sa naturang tanggapan upang makatanggap ng tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments