Napamahagian ang mga magsasaka sa lungsod ng Dagupan ng mga palay seeds mula sa pamunuan ng Department of Agriculture o DA.
Nasa mahigit isang daang mangingisda ang benepisyaryo nito na mula naman sa mga barangay ng Malued, Salisay at Mangin.
Alinsunod ang nasabing distribusyon sa adhikaing mapanatili at maitaguyod ang food security na kabilang sa United Nations Sustainable Development Goals na nakaayon sa sustainable agricultural promotion.
Samantala, matatandaan na isang salik ang presyuhan sa palay sa nakikitang dahilan sa nangyayaring paggalaw sa presyo ng bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments