Hinikayat ng lokal na Pamahalaan ng Dagupan City ang mga magsasaka dito na ipa-insure ang kanilang mga pananim.
Ito umano ay bilang pagsisiguro na matiyak ng mga magsasaka na mababawi nila ang kanilang puhunan sa oras na makaranas ng iba’t-ibang uri ng pinsala o kalamidad.
Mapoprotektahan rin nito ang kanilang pananim sa panahon ng tag-ulan.
Sakop ng Philippine Crop Insurance Corp (PCIC) sa insurance program na ito ang mga danyos sa pananim dahil sa pest infestation, mga kalamidad gaya ng bagyo, baha, tag-init, buhawi at lindol.
Bukod rito ay may iba pang benepisyong hatid ang naturang programa para sa mga magsasakang nakatakdang magpa-insure.
Pagtitiyak rin ng lokal na pamahalaan na nakaalalay sila sa hanap buhay ng mga magsasaka gaya ng pagtugon sa mga makinaryang kakailanganin sa pagsasaka at iba pang kagamitan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨