𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗚𝗢-𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡

Nakahanda umano ang mga magulang at maging mga estudyante sa Dagupan City sa posibleng maidulot ng pabago-bagong panahon sa kanilang mga kalusugan.

Sa nararanasan umanong pabago-bagong panahon tulad ng mataas pa ring heat index at bigla-biglang pag-uulan, hindi umano maiiwasan na maaaring makakuha sila ng sakit tulad ng lagnat, sipon st ubo.

Ang ilan sa estudyanteng pumapasok, sinabing lagi umano silang may dalang payong at iwasan na mabasa ng ulan matapos na mababad sa matinding init ng panahon.

Ang mga magulang naman sinabing madalas ngayon ang kanilang paghahanda sa hapag ng masustansyang pagkain para sa mga bata tulad ng gulay at sinisigurong napapainom ang mga ito ng bitamina.

Samantala ayon naman sa awtoridad, maaari pa rin makaranas ng mataas na heat index dahil sa dulot ng tinatawag na Monsoon break. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments