CAUAYAN CITY- Hinihikayat ng Cauayan Health Office 3 ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga sanggol na anak sa Lungsod ng Cauayan.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Designated Health Education and Promotion Officer Errol Rudolph Maximo, pinapaigiting nila ang kampanya ng pagpapabakuna lalo na ngayong buwan ng Abril dahil ipinagdiriwang ang World Immunization Week.
Aniya, nararapat na dalhin ang mga sanggol sa pinakamalapit na health center sa kanilang barangay upang makatanggap ng bakuna laban sa tuberculosis, tigdas, pertussis, at iba pa.
Sa paraang ito ay magiging protektado ang mga sanggol laban sa mga sakit na lubhang mapanganib at nakakahawa.
Facebook Comments