Doble ang pag-iingat ngayon ng mga magulang sa Dagupan City para sa kanilang mga anak dahil sa kumakalat na respiratory at influenza like illnesses ngayon sa bansa.
Sa pagdami ng mga nagkakasakit ngayon ng respiratory at influenza like illnesses, sinisiguro umano ng mga magulang na may proteksyon ang kanilang mga anak sa pagpasok sa paaralan at pakikihalubilo sa labas ng kanilang mga bahay.
Inuugali na umano ng ilan sa kanila ang pagbabalik suot ng face mask at maging pagsabit sa mga bag ng mga anak ng mga mini hand sanitizers nang sa gayon ay may panlabas sa mga mikrobyo at bacteria na maaaring makapasok sa katawan ng mga bata.
Tinitigan at sinusuri na rin umano nila ang mga babaunin ng mga bata sa eskwela lalo at pinakaimportanteng kumpleto sa kain ang mga ito para malakas ang resistensya.
Nagbilin at nagpaalala naman ang health authorities ukol sa kahalagahan ng pag inom ng mga bitamina para magbigay proteksyon sa resistensya at makaiwas sa mga sakit na kumakalat ngayon.
Sa ngayon, sariling disiplina na ang karamihan kung saan balik face mask sila sa tuwing lalabas ng kanilang mga bahay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments