𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗖𝗟𝗜𝗠𝗔𝗧𝗘 𝗖𝗛𝗔𝗡𝗚𝗘 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘

Sumalang ang mga batang Pangasinense sa naganap na Disaster Risk Reduction- Climate Change Adaptation and Mitigation (DRR-CCAM) information education campaign ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office sa Basing Elementary School sa Lingayen.

Layon nitong mahubog ang kaalaman ng mga bata pagdating sa usaping paghahanda sa sakuna ngayong mas nararanasan na ang epekto ng pagbabago ng klima sa bansa.

Ibinahagi sa mga ito ang kaalaman na nakapaloob sa disaster preparedness at response at ang ukol din sa Climate Change.

Bahagi ng adhikain ng PDRRMO Pangasinan sa pagpapaigting ng kahandaan laban sakuna ang ibinababang mga pagsasanay sa mga bara-barangay sa lalawigan upang matiyak ang pagiging handa at kaligtasan sa mga komunidad.

Samantala, alinsunod na rin ang nasabing aktibidad sa pagdiriwang ng National Children’s Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments