𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗥𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Maagang nagsara ang ilang mall sa Dagupan City dahil sa Bagyong Pepito. Eksakto ala sais ng gabi, sarado na ang mga mall sa lungsod upang bigyang prayoridad ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.

Nag-alok ng libreng accommodation para sa mga naghahanap ng pansamantalang matutuluyan sa gitna ng pananalasa ng bagyo ang SM Center Dagupan.

Libre ring bubuksan ang mga parking areas nito para sa mga motoristang nais ilagay sa ligtas na lugar ang kanilang mga sasakyan maging ang free wifi at charging station. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments