𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜, 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗔𝗧 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗦𝗧𝗥𝗜𝗣 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Ramdam na ang dagsa ng publiko sa lungsod ng Dagupan kasunod ng pagbubukas ng Baratilyo at Food Strip.

Ayon sa mga stall vendors, kadalasang dinadagsa ang mga kainan mag-aalas kwatro hanggang alas singko ng hapon.

Pansin na rin ang dagsa ng mga namimili ng pang disenyo sa bahay maging pamimili sa maagang pangregalo ngayong Holiday season.

Isa sa pinakainaabangan ngayon ay ang Christmas Lighting Ceremony sa City Plaza maging ang mala-tunnel na pagpapailaw sa Quintos Bridge na isasagawa bukas, ika-6 ng Disyembre.

Samantala, inaasahan na ang ibat-ibang mga aktibidad na inihanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan alinsunod sa annual city fiesta maging ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments