Nananawagan ang ilang mga mangingisda sa lalawigan ng Pangasinan ng tulong mula sa gobyerno dahil sa sunod sunod na nararanasang epekto ng mga bagyo sa kanilang kabuhayan.
Ayon sa mga sumisigay na nakapanayam ng IFM News Dagupan, wala pa umanong natatanggap ang mga ito na tulong pinansyal simula pa noong nag-umpisa ang sunod sunod na pananalasa ng mga bagyo.
Anila, isa sa kinakaharap ng mga ito ngayon na problema ay ang pagpapaayos pa ng kani-kanilang nasirang mga bangka na pinagmumulan ng karagdagang gastusin.
Hiling ng mga ito na sanay matulungan silang maibsan ang mga gastusin ngayong patuloy na naaantala at apektado ang kanilang pangingisda.
Samantala, bagamat walang nakataas na gale warning sa probinsiya ay ilan sa mga mangingisda ang pinipiling huwag munang pumalaot upang maiwasan ang anumang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨