Doble ingat ngayon ang mga mangingisda sa pangingisda sa bahagi ng west Philippine Sea kaugnay ng ipinatupad na No Trespassing policy ng bansang china.
Bagamat sa ngayon ay wala pa naman nasampolan sa nasabing polisiya.
Sa Naging panayam ng ifm dagupan Kay Pamalakaya Pilipinas Chairman Fernando Hicap, naghanda din ng kanya kanyang plano ang mga mangingisda sakaling biglang ipatupad ang nasabing polisiya.
Sa ngayon ay naglalayag ng magkakasama ang mga mangingisda upang kung sakali man na may arestuhin ang Chinese Coast Guard ay may nakakakita.
Naniniwala naman si Hicap na hindi basta basta ipapatupad ng China ang nasabing polisiya dahil alam aniya ng China na malaking bahagi ng kanilang binabantayan ay bahagi ng Exclusive Economic Zone ng bansang Pilipinas. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments