𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗡𝗔𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗠.𝗛. 𝗗𝗘𝗟 𝗣𝗜𝗟𝗔𝗥 𝗦𝗧. 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗧𝗜𝗗𝗘

Naperwisyo ang ilang motorista na dumadaan sa kahabaan ng M.H del Pilar St. Sa lungsod ng Dagupan dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon ng kalsada na sinabayan pa ng high tide.

Ang tubig mula sa high tide, naiipon sa naturang bahagi ng kalsada kung kaya’t hirap sa pag usad ang mga sasakyan.

Bagamat hindi muna ito dinadaanan ng ilang pampublikong sasakyan ay nakararanas pa rin dito ng bahagyang pagbagal sa daloy trapiko dahil sa naipong tubig.

Daing ng ilang motorista, sumabay rin kasi ang panaka-nakang pag-uulan kung kaya’t matagal bago ang paghupa ng tubig.

Samantala, may mga nakaantabay naman na mga POSO enforcers sa naturang kalsada na umaasiste sa mga dumadaang motorista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments