𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗦𝗠𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗜𝗠𝗔𝗧 𝗧𝗜 𝗔𝗠𝗜𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗧𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟰

Bibida ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa buong Ilocos Region sa magaganap na RIMAT TI AMIANAN Trade Fair 2024 na magsisimula bukas, December 4.

Ilan sa maaaring abangang mga produkto ay longganisa, suka, mani, chicharon, bagnet, coffee at maraming pang iba na produktong ipinagmamalaking gawa sa rehiyon.

Hinikayat ang publiko na suportahan ang produktong lokal na sumasalamin na rin sa mayamang kultura ng Ilocos.

Magtatagal ang programa hanggang sa Ika-8 ng Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments