𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗛-𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦

Dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon, naghahanda na ang mga awtoridad partikular na ang sektor ng kalusugan para sa mga mabibiktima ng paputok.

Inihayag ni DOH Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco sa kanyang nagging pagbisita sa lungsod ng Dagupan na pabata ng pabata ang mga nabibiktima ng mga paputok.

Ayon sa kanya, sa kanilang datos noong nakaraang taon, 10-14 anyos ang karamihang nabiktima na paputok.

Dagdag pa nito, na noong pagpasok ng taong 2023, edad 5 hangang 9 na anyos ang kadalasang nabiktima sa rehiyon.

Sinabi pa nito na nangunguna pa rin ang lalawigan ng Pangasinan na may pinakamaraming naitalang biktima na nasa 74 na kaso.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, inilunsad ang Iwas Paputok Campaign 2023 sa lungsod ng Dagupan na may layuning maipaalala sa publiko ang pag-iwas sa paputok upang iwas disgrasya.

Target ng DOH-Ilocos Region ang Zero-firecracker related incidents sa nalalapit na pagdiriwang yuletide season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments