𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

MAY BABALA ANG HANAY NG KAPULISAN SA MGA NAGBEBENTA NG ILIGAL NA PAPUTOK SA BAWAT PAMILIHANG ITINALAGA NG MGA LGUS PARA SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON.

SA NAGING PANAYAM NG IFM DAGUPAN KAY PNP PANGASINAN PUBLIC INFORMATION OFFICER PCAPT. RENAN DELA CRUZ, NA ANG SINUMANG MAHUHULI AT MAPAPATUNAYANG NAGBEBENTA NG ILIGAL NA PAPUTOK AY MAAARING MAPATAWAN NG PARUSA SA ILALIM NG REPUBLIC ACT NO. 7183 AY MAAARING MAKULONG NG ANIM NA BUWAN HANGGANG ISANG TAONG PAGKAKAKULONG AT MAAARI RING MAPATAWAN NG 20,000-30,000 MULTA, KANSELASYON NG PERMIT, AT PAGKUMPISKA SA MGA ILLEGAL NA PAPUTOK.

SAMANTALA, PATULOY NAMAN ANG MAHIGIPIT NA PAALALA NG AWTORIDAD SA MGA MAGULANG NA BANTAYAN AT SUWAYIN ANG KANILANG MGA ANAK NA MENOR DE EDAD NA BAWAL SILANG GUMAMIT MGA PAPUTOK DAHIL AYON SA DATOS NG DOH-CHD1 NA KARAMIHAN SA MGA NAITATALANG KASO NG FIREWORKS-RELATED INJURIES AY PAWANG MGA BATA.

LAYUNIN NG MAHIGPIT NA PAALALANG ITO NG MGA AHENSYA UPANG MAGKAROON NG MAALIWALAS AT LIGTAS NA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON AT UPANG HINDI MAKAKUHA NG SAKIT. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments