Naniniwala si Dagupan City Mayor Fernandez na magtutuloy-tuloy na ang pag-iimplementa ng mga programa sa lungsod.
Inihayag ng alkalde sa naging panayam nito sa isang media conference na natatanaw umano ang malaking pag-asa para sa pagsasakatuparan ng mga proyekto na mapapakinabangan ng mga Dagupeños.
Kasunod ito ng inaasahang mabilis na pagdinig at pagproseso sa mga ipinanukala at iminungkahing mga resolusyon at ordinansa gayong mananatili pansamantala ang mga miyembro ng minorya sa pangunguna sa iba’t-ibang komite.
Kahapon lamang sa naganap na regular session, pasado na ang supplemental budget 2 ng lungsod na kinabibilangan ng mga matagal nang kailangang maisakatuparan sa pagtugon sa usaping kalusugan, edukasyon, imprastraktura, kalikasan at iba pa.
Samantala, nagpapatuloy ang mga in-house programs na LGU Dagupan na may layong mailapit sa mga Dagupeños ang mga serbisyo ng lokal na gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨