Nasa kalahati pa lamang o katumbas ng 50% ng mga residente ng Brgy. Tapuac ang nakakasunod sa ipinapatupad na “No Segregation, No Collection” Policy sa Dagupan City.
Ito mismo ang kinumpirma ni Brgy. Captain Sidney Lomboy sa panayam ng IFM News Dagupan.
Ayon sa Kapitan, bahagi rin ng programa ang paglipat ng dump site ng Barangay kung saan ay inilipat na ito sa bahagi ng Bonuan na pagmamay-ari na lupa ng kapitan.
Sa ngayon ay kumuha sila ng mga manggagawa na siyang magiging mga segregators habang hindi pa sanay ang mga taga-barangay sa nasabing polisiya.
Hindi naman masabi ng Kapitan kung kailan ang eksaktong petsa na makakasunod ang mga taga-Tapuac sa mahigpit na implementasyon ng ”No Segregation, No Collection” policy ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments