𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗦𝗞 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡

Puspusan pa rin ang paghahanda ng mga nanalong Barangay at SK Officials sa Dagupan City sa nalalapit na pormal na pag-upo ng mga ito sa posisyon sa susunod na buwan.
Sa lalawigan ng Pangasinan, sumailalim na ang mga ito sa Mandatory Training partikular ang Sangguniang Kabataan Council upang malaman pa ang mga kaalaman at regulasyon sa kanilang magiging pamumuno.
Pormal na ring nakilala at nakapagdeklara ang mga ito ng kanilang katungkulan sa naganap na Oath Taking Ceremonies.

Nagpapatuloy naman ang trabaho ng turnover ng mga inventories at iba pang importanteng dokumento ng outgoing Barangay Officials sa mga bagong opisyales na sunod na mamununo sa nasasakupang komunidad.
Kasalukuyang tintatrabaho naman ng mga BSK Officials sa lungsod ang pagpapasa ng SOCE Form dahil nalalapit na rin ang deadline nito – November 29 at hindi na muling palalawigin pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments