𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗢, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟭𝟭𝗠

Tinatayang P11. 6 million kabuuang halaga ng nasabat na ilegal na droga tulad ng hinihinalang shabu, cocaine at marijuana ang ang nasabat ng awtoridad sa Ilocos Region sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Sa kabuuan ng rehiyon, nakapagsagawa ang Police Regional Office 1 ng 85 buy bust operations, 4 na incodental arrests, at 19 search warrant implementations bukod pa sa iba na nagbigay daan upang maaresto ang 138 na suspek, 329 na wanted persons at 20 most wanted individuals ayon kay PRO-1 Regional Community Affairs Development Division Deputy Chief Lt. Col. Benigno Sumawang.

Patuloy din ang isinasagawang anti-loose firearms campaign na nagresulta sa 14 na armas, pagkakaaresto ng 19 na indibidwal at paghahain ng kaso sa 23 katao.

Pagbabahagi pa ni Sumawang ang tatlong malalaking operasyon sa magkakaibang lalawigan ng Ilocos Region kung saan milyon at libong halaga ng ilegal na drogaang nasakote at naaresto rin ang tatlong high-value individuals.

Giit ng Sumawang, walang manufacturing ng illegal drugs sa rehiyon kung kaya’t galing ang suplay nito sa ibang lugar.

Bilang buod sa nasabat na illegal drugs, nakompiska sa buong buwan ng Mayo ang 21,239.26 grams ng dried marijuana leaves, 1,338.87 grams ng shabu, limang ecstacy tablets, at 0.29 grams ng cocaine.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang kaliwa’t kanng operasyon ng awtoridad upang mapuksa ang kriminalidad sa Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments