𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗛𝗨𝗠𝗜𝗛𝗜𝗡𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗚𝗜𝗧

Dahil sa matumal na bentahan humihingi ngayon ng palugit ang mga negosyante sa baratilyo sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa ilang negosyante nag bagsak presyo na ang mga ito dahil kinakailangang mabawi ang puhunan.

Binuksan ang baratilyo noong abril kasabay ng pagdiriwang ng Bangus Festival.

Panawagan ng mga negosyante sa lokal na pamahalaan bigyan sila ng karagdagang palugit sa kanilang pamamalagi.

Idadaan muna sa pagdinig sa Sangguniang Panlungsod ang kahilingan ng mga negosyante. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments