𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗥𝗜𝗞𝗘

Hati ang opinyon ng ilang mga PUV operators sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa muling pagkakaroon ng transport strike ng ibang transport group bunsod pa rin ny kanilang pagtutol sa Modernization program ng pamahalaan.
Ang ilan lamang sa mga ito, bagamat hindi sila kasama sa transport strike ay nais sana nilang mapabilang sa mga titigil pasada bilang pagpapahayag ng kanilang di pagsang-ayon sa umiiral ng modernization.
Ganito man ang sitwasyon ay aminado naman sila na hindi sila ang magdedesisyon sa ganitong bagay at sa huli ay susunod pa rin sila sa kung ano ang itinakdang gawin ng kinabibilangang transport group.

Ang iba nama’y hindi na raw dahil wala naman na silang magagawa ngayong dumadami na ang bilang ng mga modernized jeepney.
Samantala, para sa mga desidido nang hindi kabilang sa mag-upgrade ng sasakyan, hiling nila na sana ay hindi agad patigilin ang mga ito sa pamamasada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments