𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗭𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗧𝗜𝗣𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗤𝗨𝗜𝗥𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡

Nagbigay paalala ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa mga responsibilidad ng mga interesadong organizers ng medical, dental, surgical at allied missions na sumunod sa mga panuntunan upang maaprobahan ang pagsasagawa sa lugar.

Nauna nang naglabas ng executive order ang lokal na pamahalaan ukol dito noong 2023 at may kahalintulad na kautusan ang napirmahan ngayong 2024 na nagsasaad ng tamang proseso upang awtorisadong makapagsagawa ng medical missions sa Mangaldan.

Ayon kay Dr. Larry Sarito mula sa Municipal Health Office at isya ring Chairman on Special Temporary Permit Committee sa mga medical missions, pareho ang hangarin ng kanilang tanggapan sa mga medical mission na isinasagawa na prayoridad ang taumbayan.

Giit pa niya, hindi pinipigilan o pinagbabawalan ang mga organizers na magsagawa ng aktibidad ngunit kailangan lamang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng taumbayan.

Dagdag naman ng Municipal Administrator, ang pagsunod sa itinakdang panuntunan ay upang makapagbigay ang lokal na pamahalaan ng tulong sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments