Pansamantalang itinigil ang face-to-face classes sa Buenlag Central School sa bayan ng Calasiao dahil hanggang sa ngayon lubog pa rin ito sa baha dahilan ang sunod-sunod na bagyong naranasan sa probinsya ng Pangasinan.
Kabuuang 27 classrooms ng paaralan ang pinasok ng tubig baha na nadagdagan pa ng manalasa ang bagyong Pepito.
Problema ng pamunuan ng paaralan kung paano aagos ang tubig dahil wala umano itong madaluyan.
Dahil dito, apektado ang pag-aaral ng nasa higit 900 estudyante sa paaralan. Pansamantalang ipinapatupad dito ang modular distance learning.
Sa Buenlag National High School na katabing paaralan, lubog din ang mga classrooms.
Panawagan ng mga guro ang aksyon mula sa kinauukulan upang maipagpatuloy ang face-to-face classes.
Samantala, gumawa na ng resolusyon ang kawani ng barangay upang masolusyunan ang pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨