Inirereklamo ng ilang residente sa Brgy. Bued, Calasiao ang mga pagala-galang aso na madalas umanong nangangalkal ng basura at naghahabol sa mga naglalakad na residente at motorista.
Maari umanong maging banta ang mga ito sa kalusugan at kaligtasan ng mga dumaraan dahil sa takot na sila ay makagat.
Dahil dito, ipinaalala ng barangay council ang mahigpit na pagpapatupad ng Municipal Ordinance no. 13 o ang pagbabawal sa presensya ng mga stray animals sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang pagdumi at pagkakalat ng basura.
Sakop ng ordinansa ang responsibilidad ng mga pet owners sa karampatang gastusin sa gamutan sakaling maka kagat ang alagang aso.
Hiling naman ng mga residente ang striktong pagpapatupad nito base na rin umano sa kanilang mga naging karanasan sa mga pagala-galang aso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨