𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢, 𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔-𝟰𝟰 𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗬𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗦𝗨𝗦 𝗡𝗔𝗭𝗔𝗥𝗘𝗡𝗢

Kaisa ang mga Catholic Devotees ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan sa Pangasinan sa pagdaos ng 44th Year Anniversary of Feast of Jesus Nazarene na may temang “Ibig naming makita si Hesus”.

Matatandaan na sa ika-9 ng Enero ang paggunita ng mga debotong Katoliko sa Feast of the Black Nazarene o sa Filipino ay ang Pista ng Itím na Nazareno, kilala rin bilang Traslación kung saan nagkakaroon ng mass procession kasunod nito.

Dinaluhan ito ni Mayor Fernandez kasama ang mga deboto sa pagbibigay-pugay kay Hesus Nazareno.

Samantala, taon-taon ginaganap ang nasabing pista at sa kasalukyan sa ka-Maynilaan ay nasa milyon-milyong mga deboto ang lumalahok upang madungawan at mahawakan ang imahen ng Poong Nazareno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments