𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗩𝗘𝗟𝗜𝗛𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘

Napamahagian ng livelihood aid ang mga magsasaka, ambulant vendors, solo parents, at lipon ng mga kababaihan sa lalawigan ng Pangasinan na naapektuhan ng El Niño Phenomenon.

Kinabibilangan ito ng mga residente na mula sa mga bayan ng San Nicolas, Malasiqui, Bayambang, at mga lungsod ng Dagupan, San Carlos at Alaminos.

Kabuuang apat na libo at walong daan ang naging benepisyaryo ng tulong pinansyal hatid ng tanggapan nina Sen. Pia at Alan Cayetano at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS.

Hinikayat naman alkalde ang mga benepisyaryo sa Dagupan City na gamitin nang maayos ang natanggap na tulong pinansyal at huwag sayangin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments