𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘𝗦, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗦𝗞 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗘𝗨𝗠𝗢𝗡𝗜𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔

Muling sinasanay ng mga Pangasinenses ang pagsusuot ng face mask araw araw kasunod ng balitang may kaso ng walking Pneumonia sa bansa.
Matatandaan na kinumpirma ng Department of Health o DOH nito lamang Dec. 6 na may apat na kaso ng Mycoplasma pneumonia or o mas kilala bilang walking pneumonia bagamat nakapagrecover na rin ang mga ito.
Tumaas din ng nasa 45% ang kaso ng mga influenza-like illness, mas mataas kumpara noong nakaraang taon sa parehong timeline.

Ayon sa ilang mga nakapanayam ng Pangasinense, kahit na parang typical lang itong trangkaso ay mas mainam daw talaga ang pagsuot ng face mask.
Dagdag pa ng mga ito na prevention is better than cure. Importante raw umano para sa mga ito ang pagsuot ng mask upang mabawasan ang tyansa ng pagkakahawaan lalo na at sa panahon ngayon ay uso raw talaga ang mga tinatrangkaso.
Bagamat hindi bago at karaniwan lamang ang walking pneumonia, hinikayat ng health authorities ang publiko na mas mainam ang muling pagsuot ng face mask upang makaiwas sa naturang sakit lalo ngayong ipinagdiriwang na ang holiday season at tiyak ang dagsa ng mas maraming tao.
Ilan lamang sa mga sintomas nito ay ang pag-ubo, pag sipon, pagkakaroon ng lagnat, at sore throat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments