𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗦𝗣 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗦𝗧𝗢𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰

Sa pagsapit ng bagong taon, hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga Pangasinense na maging wais sa paggastos at pag-iipon ng pera ngayong 2024.

Bilang parte ng new year financial literary plan ng ahensya, ibinahagi ni BSP Northern Luzon Research Specialist Gomer Gomez ang ilan sa mga pamamaraan kung paano makapg-iipon ang bawat Pangasinense, sa ginanap na forum nito kahapon.

Ayon kay Gomez, mahalagang isaalang-alang ang pag-iigting ng prayoridad sa mga kailangan kaysa mga bagay na gusto lamang. Dagdag pa niya na, sa pagpasok ng income, mahalagang unahing itabi ang ipon bago gumastos at siguraduhing may permanenteng porsyento na ng ipon ang nakalaan mula sa perang dumarating.

Ani Gomez, na dapat maging maingat ang bawat isa sa paglalaan ng salaping natatanggap. Ang pag-iipon ay makatutulong din diumano sa mga bagay o mga pangyayaring hindi inaasahan.

Samantala, binalaan din ng BSP ang bawat isa na maging maingat sa mga nagsusulputang scam at iba pang klase ng pananamantala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments