Hinihimok ngayon ng Pangasinan Provincial Health Office ang mga Pangasinenses kaugnay sa patuloy na nararanasang init ng panahon kasunod ng umiiral ng El Niño Phenomenon.
Binigyang diin ang maaaring naitalang kaso ng uri ng mga sakit na posibleng naglipana sa panahon ngayon tulad ng heat stroke at heat exhaustion.
Pinaalalahanan ang publiko na ugaliin ang pag-inom ng kumpletong bilang ng baso ng tubig upang maiwasan ang dehydration.
Nagbigay pa ng karagdagang paalala ang tanggapan tulad ng pamalagi sa mga preskong lugar lalong lalo na ang mga may maintenance na dahil sila ang higit prone sa heat related sickness cases.
Ngayong araw din nakapagtala ng nasa 39°C na heat index ang PAGASA.
Samantala, matatandaang idineklara ng PAGASA ang aasahang mas maalinsangan pang panahon sa darating na panahon ng tag-init. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨