π— π—šπ—” π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—˜π—‘π—¦π—˜ π—›π—œπ—‘π—œπ—žπ—”π—¬π—”π—§ 𝗑𝗔 π—§π—”π—‘π—šπ—žπ—œπ—Ÿπ—œπ—žπ—œπ—‘ π—”π—‘π—š 𝗣π—₯π—’π——π—¨π—žπ—§π—’ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘

Hinihikayat ngayon ng mga Micro Small and Medium Enterprises o MSMEs sa Pangasinan ang mga consumer na tangkilikin ang produkto ng lalawigan.

Ito ay sa kabila ng isinasagawang Kadiwa ng Pangulo sa iba’t-ibang lugar sa probinsya.

Ilan lamang sa mga mabibili sa Kadiwa ng Pangulo ay mga produktong gawa ng MSMEs tulad ng bangus production, flavored salt, dried fish, gulay, handicrafts at iba pa ang dala ng mga nakilahok ng MSMEs.

Alinsunod ito sa tema ng programa na Sama-samang Tangkilikin Produktong Atin para sa Bagong Pilipinas ng DA Region I.|π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments