Umpisa na ngayong linggo ang pamimili ng mga Pangasinenseng sa ihahandang Noche Buena Products sa darating na Dec. 24 upang ipagdiwang ang araw ng Kapaskuhan sa Dec. 25.
Bagamat hindi pa ito ang peak time ay ilan sa mga Pangasinense ay nagcacanvas o nagtitingin na ng mga kakailanganing produkto para sa selebrasyon, partikular ang pagkonsidera nila sa presyo ng mga ito.
Mangilan-ngilan na rin ang bumibili ng mga pagkaing maaaring magtagal hanggang sumapit ang Visperas ng Pasko tulad ng softdrinks.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM Dagupan, maigi ang pamimili nang maaga dahil tiyak na dagsa ang mga pamilihan isa hanggang dalawang araw bago Dec. 24.
Samantala, mananantili sa SRP ang mga noche Buena items o wala itong paggalaw sa presyo hanggang sa matapos ang kasalukuyang tao alinsunod sa napagkasunduan ng DTI at mga product manufacturers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments