𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗗𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗝𝗔𝗜𝗟, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗢𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗦𝗦-𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗟𝗟𝗡𝗘𝗦𝗦𝗘𝗦

Patuloy na minomonitor at binibigyan ng safety needs ang mga PDL o Persons deprived of liberty sa Dagupan City Jail-Male Dorm.

Bilang pinakamalaking jail sa buong Region 1 at malapit sa dagat ang lokasyon ng Dagupan City Jail, iniiwasan ang jail congestion o siksikan sa piitan lalo tuwing sasapit ang summer season.

Ayon sa Jail Nurse na si Maverick Alanzalon, itinuturing na priority ang mga senior citizen o PWD na PDL. Patuloy na binibigay ng health unit ang gamutan ng mga PDL na may maintenance o karamdaman. Pinapayuhan din ang mga ito tuwing mainit sa selda na magsuot ng preskong damit upang hindi lubos maramdaman ang init.

Pagbabahagi pa ni Alanzalon, isang hakbang na ginagawa ng warden ang paglipat sa mga PDL na may sentensya na mula sa korte sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa upang maiwasan ang siksikan sa piitan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments