Ipinag utos ni Pangasinan Police Provincial Office Director PCOL. Rollyfer J. Capoquian sa lahat ng himpilan ng pulisya sa probinsiya ang paglalagay ng e-dash cams sa mga police mobile.
Ito ay kabilang umano sa kanilang hakbangin para sa pagpapaigitng pa ng pangangalaga sa seguridad at kaligtasan ng publiko. Ngayong araw, ginanap ang ceremonial installation ng mga e-dash cams sa mga mobile ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) at ilang PNP stations sa lalawigan.
Makatutulong umano ang pagkakaroon ng dash cams sa maraming aspeto upang mapaigting ang kanilang mga inisyatibo at mas epektibong pagtutok sa seguridad at kaligtasan.
Ayon naman kay PNP Region 1 Director PBGEN. Lou F. Evangelista, bahagi ito ng Extended CCTV project na siyang may layon na maglagay ng mga kamera sa mga gusali.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨