Ibinahagi ng mga ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan o mga umuupong konsehal sa lungsod ang ilang mga programang nais umano nilang higit tututukan kasunod ng pagkakapasa kahapon ng annual budget na nagkakahalaga ng P1.385B.
Isa rito ang mas pagpapaangat sa sektor ng ekonomiya bilang pantugon sa kabuuang pag-unlad ng lungsod, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nakatayong establisyimento.
Ayon sa isang konsehal mula sa Majority Bloc, nararapat daw na matulungan ang mga business owners na naapektuhan ngayon bilang isa sila sa may malaking kontribusyon pagdating sa pag-generate ng tax revenues.
Isa pa sa inaasahang mas bibigyang pansin ay ang mga programang bebenipisyo sa mga sumisigay sa pagtataguyod ng Bangus Industry, mga ambulant vendors maging mga jeepney at tricycle drivers/operators.
Kabilang pa ang mga programang nakalaan para sa mga Solo Parents, Persons with Disabilities at mga Senior Citizens.
Samantala, inaasahan ngayon ang epektibong pag-iimplementa ng mga kailangang programa na mabebenipisyuhan ang mga Dagupeño sa pamamagitan ng paggamit sa naaprubahang pondo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨