𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔’𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗔𝗕𝗨𝗦𝗢, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Pinalalakas pa ang pagtutok sa mga programa ng lokal na gobyerno ng Dagupan City laban sa iba’t-ibang klase ng pang-aabuso at pagmamaltrato na maaaring maranasan ng isang tao lalo na ng mga bata at kababaihan.

Isa sa tinututukang programa ay ang Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC), Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at Anti-Rape Law.

Ayon naman sa CSWDO, bukas ang kanilang Women’s Center upang tulungan ang mga kababaihan at kabataan na nakaranas ng pang-aabuso at pagmamaltrato.

Kasama rin dito maging ang tanggapan ng Department of Education kung saan suportado ang kampanya at tinitiyak na nabibigyang pansin sa mga paaralan ang ano man uri ng pang-aabuso tulad ng bullying, cruelty, abuse, neglect at exploitation.

Madalas umanong nagiging biktima ang mga kabataang mag-aaral sa mga ganitong klase ng pang-aabuso.

Samantala, ilan lamang umano ito sa programang ipinatutupad sa lungsod para sa pagpapanatili sa kaayusan at seguridad ng mga bawat residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments