Inilatag ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO ang mga programa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.
Ilan lamang dito ang inagurasyon ng PDRRM Warehouse sa Bugallon at collapsed Structure Search and Rescue Training Facility sa Burgos, pagbigay daan sa Project PARAAN o Risk Assessment and Preparedness Project na hakbang upang maging ligtas ang bawat pamilya sa iba’t-ibang uri ng kalamidad sa lalawigan.
Kabilang din ang Batang DRRM Hero na tututok sa pagbibigay kaalaman sa mga kabataan na may kaugnayan sa Disaster Preparedness.
Ito ay kasunod sa pagpapaigting ng kamalayan at paghahanda ng lalawigan ng Pangasinan bilang pagtugon sa anumang uri ng sakuna maaaring manalanta.
Ang tema ngayong taon sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ay “Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨