𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Inilatag sa isinagawang State of the City Address ni Mayor Belen Fernandez ang mga proyekto para sa pagpapataas ng sektor ng turismo sa Dagupan City.

Isa sa proyektong inihayag nito ay ang One Bonuan Pavillon kung saan may nakalaan na pondo para sa Phase two ng pagsasakatuparan nito mula sa suporta ng isang senador.

Isa din sa hinahangad na tuluyang maisagawa sa lungsod.

Samantala, nabanggit din ng alkalde ang skateboard park project sa bahagi ng Bonuan, Tondaligan kung saan mapapakinabangan ng mga kabataang Dagupeño pagdating sa physical activities at maging isa sa pasyalan ng mga lokal na turista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments