Inihayag ni Pangasinan Vice Governor Mark Lambino na magpapatuloy ang mga inilatag na proyekto sa Brgy. Malico,San Nicolas kahit pa mayroong umiiral na territorial dispute laban sa Nueva Vizcaya.
Aniya, ang 200 milyong pondo na inilaan sa naturang lugar ay gagamitin na para sa itatayong imprastraktura sa seguridad at kahandaan sa mga sakuna.
Maliban dito, magpapatuloy ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente dahil sa kabilang ito sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA.
Ang barangay Malico San Nicolas ay isa umano sa mga tourism site sa probinsiya na tutukan ng provincial Government kabilang ang Bolinao, Alaminos City, Lingayen at Manaoag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments