𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗧𝗨𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡; 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘

Nagtumbahan ang mga puno sa Agno, Pangasinan matapos itong hagupitin ng Bagyong Kristine.

Agad na nagsagawa ng road clearing operations ang awtoridad sa kalsada ng Barangay ng Abagatanen, Dangley, at Macaboboni.

Agaran na paglilinis sa kalsada ang isinagawa upang makadaan ang mga komyuter at mga motorista. Hindi rin madaanan ang San Juan Hanging Bridge dahil sa taas ng lebel ng tubig ng ilog at mga basurang nakaharang.

Ayon sa MDRRMO Agno, hindi pa rin madaanan ang Sitio Palonapoy, Barangay Bangan Oda road at Barangay Dangley Road. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments