𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗡𝗧𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗜𝗡

Muling nilinis at inayos ng mga kamag-anak at mga bibisita sa nalalapit na Undas ang mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay matapos ang bagyong Kristine.

Maaga na umanong naglinis ang mga ito ng puntod ngunit muling binaha. Hinintay muna ng mga ito na humupa ang tubig ulan bago muling pumunta sa sementeryo upang makapag linis at ihanda sa darating na undas.

Ang ilan, muling nagbayad ng mga paglilinis at magpipintura sa puntod at umaasang wala munang pag-uulan na maranasan o di kaya panibagong bagyo para hindi masayang ang mga ginastos at isinaayos.

Ang ilang tagapamahala ng sementeryo sa lungsod ay tinitiyak na maayos ang daanan papunta sa mga puntod ng mga yumao para sa Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments