𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗦𝗠𝗔𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗨𝗗𝗢

Dismayado ang mga PUV drivers at operators sa lalawigan ng Pangasinan sa panibagong taas presyo sa produktong petrolyo base sa 4-day trading prices.

Asahang maimplementa ang oil price hike ng mga oil companies bukas, Feb. 20 kung saan nasa halos P2 ang posibleng umento sa kada litro ng Kerosene, Gasoline at Diesel.

Ayon sa mga PUV drivers, pahirapan muli ang kita ng mga ito dahil tiyak na mapupunta ang arawang kita sa pangkrudo ng mga ito.

Samantala, isa sa dahilan ng paggalaw sa presyo ng krudo ay ang nagaganap na Middle East Conflict, maging ang isyung may kaugnayan sa Red Sea at Suez Canal ayon sa sa pamunuan ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments