Sa muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo patuloy ang panawagan ng mga Public Utility vehicle drivers sa Pangasinan ang pagbaba nito.
Ayon sa mga jeepney drivers na nakapanayam ng IFM News Dagupan, hirap ang mga ito dahil sa malaking kabawasan sa maiuuwing kita sa kada araw dahilan ang dagdag-singil sa presyo ng langis.
Apektado rin daw ang kanilang kita bunsod ng sunod-sunod o madalas na pagkansela ng klase sa lalawigan dahil sa mga bagyo.
Anila, mahirap daw ang pagtaas at pagbaba sa oil price dahil hindi umano nagiging matatag ang kanilang kita.
Kahapon, ilang oil companies ang nagpatupad ng bigtime oil price hike na umaabot sa higit dalawang piso ang pagtaas sa kada litro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments