𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔 𝗙𝗨𝗟𝗟 𝗧𝗔𝗡𝗞 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗢𝗟𝗟𝗕𝗔𝗖𝗞

Ipapa full tank ng mga PUV operators sa lalawigan ng Pangasinan ang kanilang mga minamanehong pampublikong pampublikong sasakyan bago pa raw matapos ang umiiral na price rollback sa mga krudo ngayon.
Sa kasalukuyan, nananatiling may pagbaba sa Gasoline ng 75 cents, Diesel na may bawas na 65 cents at Kerosene na may tapyas ding 60 cents sa lahat ng kada litro nito.
Matatandaan na nasa ikaapat na linggo na ang seryeng nararanasan sa tapyas presyo sa mga produktong langis na Ikinatuwa naman ng mga operators at motorista.

Sa pagsipa muli ng presyo nito ngayong linggo ay sisiguruhin daw nila na magpapa full tank ang mga ito upang mapakinabangan pa ang rollback hanggang bukas.
Samantala, bagamat aminado silang pabago bago ang oil price sa merkado ay umaasa ang mga ito na hindi tuluyang sumipa ang presyo lalo na sa pagsapit ng holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments