𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗦𝗠𝗔𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜𝗠𝗘 𝗢𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗛𝗜𝗞𝗘

Dismayado ngayon ang mga PUV operators sa lalawigan ng Pangasinan kasunod ng pag-iimplementa ngayong araw, December 26 ng malakihang taas presyo sa krudo.

Epektibo ang bigtime oil price hike kaninang alas sais ng umaga kung saan ang Diesel, tumaas ito ng 1.70 sa kada litro, mayroon ding pagsirit na 1.60 per liter sa Gasoline habang ang umento naman sa per liter ng Kerosene ay 1.54.

Ayon sa mga operators, matapos daw ang naranasang tatlo hanggang apat na linggong oil price rollback ay hindi na nabigla ang mga ito sa price hike na ipapatupad bagamat ang ikinadismaya ng mga ito ay ang malakihang pagsirit sa presyo na halos dalawang piso na sa taas ang mga produktong langis.

Ikinababahala ng mga ito na baka raw ay tumuloy sa serye ang oil price hike na muli na naman daw makakaapekto sa arawang kita ng mga operators sa lalawigan.

Samantala, bunsod pa rin ng price adjustments sa petrolyo ay ang pabago-bagong presyuhan sa pandaigdigang merkado maging iba pang tukoy na mga salik. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments