Nasa dalawampung Persons with Disabilities (PWDs) mula sa lalawigan ng Pangasinan ang nabigyan ng hearing aids mula sa the Department of Health (DOH) Ilocos Region katuwang ang Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC).
Nagkakahalaga ng 40, 000 ang isang hearing aid na ipinamahagi sa mga benepisyaryo na katuparan ng kanilang mga pangarap. Ang mga benepisyaryo ay mula sa bayan ng Basista, Urbiztondo, Aguilar, Lingayen, Mangatarem, Labrador, Tayug, Binmaley, Urdaneta, at Alaminos City.
Saklaw ng naturang aktibidad ang isinagawa ring mga hearing tests, assessment at oryentasyon sa wastong pamamaraan ng paggamit ng natanggap na mga hearing aids.
Samantala, binigyang diin ng ahensya na ang mga kababayang PWDs ay mahalagang miyembro ng mga komunidad at nararapat lamang na namuhay ang mga ito nang normal nang walang diskriminasyon sa kabila ng kanilang mga kapansanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨