𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘 𝗘𝗤𝗨𝗜𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗𝗕𝗬 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘

Nakahanda na ang rescue equipment ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa agaran nitong pagresponde sakaling mangailangan ng tulong ang mga Pangasinense dahil pa rin sa nararanasang tuloy-tuloy na pag-uulan. Nakaantabay din ang mga kawani ng tanggapan upang matugunan ang mga posibleng pagsangguni ng mga maaapektuhang residente sa lalawigan.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng bawat Local Disaster Risk Reduction Management Council sa Region 1 upang matiyak ang maayos na pagbahagi ng mga kinakailangang datos at agarang mahatiran ng tulong.

Sa ekslusibong panayam ng IFM Dagupan kay Office of the Civil Defense 1 Operations Officer Freddie Evangelista, nakaalerto sila sa mga mairereport ng mga DRRMs ukol sa sitwasyong nararanasan ngayon.

Paalala ng ahensya na iwasan muna ang anumang marine activities upang hindi makapagtala ng kaso ng pagkalunod sa rehiyon. Samantala, hanggang sa ngayon ay nananatiling zero casualty ang buong Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments