𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗢

Naitala ang nasa higit apat na libong indibidwal sa Ilocos Region ang apektado ng pananalasang dala ni Bagyong Marce.

Sa tala ng Office of the Civil Defense 1, katumbas ng 4, 055 na mga residente ang 1, 418 na pamilya na mula sa 36 barangay sa mga lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Nailikas ang 381 na mga pamilya sa dalawampu’t-dalawang evacuation centers sa rehiyon.

Nahatiran na ng DSWD Field Office 1 ng tulong ang mga apektadong residente sa Region 1 habang nagpapatuloy pa ang monitoring at assessment sa posible pang maitalang bilang ng mga maaapektuhang residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments