CAUAYAN CITY- Puspusan ang ginagawang pag-iikot at pagbisita ni Municipal Mayor Venus Bautista sa mga barangay na naapektuhan ng bagyong Kristine.
Sa kanyang pag-iikot ay namahagi ang mga ito ng food boxes sa mga residenteng inilikas sa mga evacuation centers.
Kaugnay nito, nananatili namang aktibo ang mga otoridad upang bantayan at i-monitor ang sitwasyon sa bawat barangay lalung-lalo na ang mga nasa low lying areas.
Bukod dito, nakahanda naman ang mga kagamitan at mga pasilidad kung sakali mang kailanganin ito ng mga residenteng apektado ng bagyo.
Samantala, bagama’t wala na gaanong nararanasang ulan at hangin ay mahigpit na pinag-iingat pa rin ang bawat indibidwal upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Facebook Comments