Pinalilikas na ang mga residente sa Ilocos Region na maaring maapektuhan ng Bagyong Pepito.
Sa isinagawang pulong ng Office of the Civil defense kasama na ang ilang ahensya at Provincial DRRMs, binigyang diin ni RDRRMC1 Chairperson Laurence Mina, ang maigting na paghahanda sa bagyo.
Hiniling rin nito nang tulong ng iba pang ahensya sa kinakailangang augmentasyon.
Sinabi naman ni Vice Chairman for Disaster Preparedness Jonathan Paul Leusen, kinakailangan magsagawa na ng pre-emptive evacuation ang mga residenteng nakatira sa mga maapektuhan ng bagyo.
Samantala, hindi na inalis sa Red Alert Status ang nakataas sa rehiyon upang patuloy na maantabayan ang pangkalahatang sitwasyon at matiyak ang nararapat na pagtugon sa mga posibleng mangailangang residente sa Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨